IBINABA ng department of Foreign Affairs (DFA) ang status ng Libya sa Crisis Alert Level 3 o Voluntary Repatriation para sa mga pilipinong nananatili sa naturang bansa.
Ayon sa DFA, bagaman maselan pa rin ang political at security conditions sa Libya ay nagkaroon na ng malaking improvement sa bansa sa nakalipas na apat na taon.
Matatandaang 2019 nang itaas ng pamahalaan sa level 4 o mandatory repatriation ang crisis alert sa kabisera ng libya na Tripoli, habang level 2 naman o restricted phase ang mga lugar na nasa 100-kilometer radius nito.
Sinabi ng DFA na sa kasalukuyan ay mayroong 2,300 overseas filipino workers sa Libya na naniniwalang ligtas sila sa naturang bansa.