MAKALIPAS ang halos dalawang dekada, nahukay ng pinagsanib ng puwersa ng Militar at Pulisya ang bangkay ni Roberto Drio, alyas Boyet, na biktima ng brutal na pamamaslang ng teroristang New People’s Army, sa Barangay Siljagon, Mapanas, Northern Samar.
Ibinunyag ng mga dating miyembro ng NPA na nagbalik loob sa pamahalaan, na taong 2004 nang tinortyur hanggang sa bawian ng buhay ang noo’y bente singko anyos na si Boyet ng grupo ni Ka Doy na nag-o-operate sa Northen Samar.
Mariing kinondena ni Florencio Drio ang brutal na pagpaslang sa kanyang anak, kasabay ng pagsasabing makonsensya sana ang mga rebelde sa kanilang mga maling gawain, dahil laging may oras ang pagpaparusa.
Nagpaabot naman ng pakikiramay si Major General Camilo Ligayo, Commander ng 8th Infranty Division, sa pamilya ng biktima at tiniyak na maigagawad ang hustisya para kay Boyet at sa lahat ng mga inosenteng buhay na kinitil ng mga terorista.