Idineklara ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Oktubre ng bawat taon bilang “Communications Month” kasabay ng anibersaryo ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa statement, sinabi ng Malakanyang na ang hakbang ay bahagi ng pagsisikap ng Marcos Administration na kilalanin ang “vital role” ng communication at ng media, pati na ang pagpapaganda ng kalidad ng public consultation.
Inihayag ni pangulong Marcos na layunin ng administrasyon ng magbigay ng totoo, eksakto at mahahalagang impormasyon kaugnay ng mga polisiya, priority programs, at mga proyekto ng pamahalaan sa pamamagitan ng approriate media.
Ang PCO na inatasang lumikha at magmantina ng messaging system sa Executive Branch at sa Office of the President ay magdiriwang ng kanilang anibersaryo sa October 11.