KINUMPIRMA ng aktres na si Abby Viduya na may final wedding date na sila ng kanyang fiance na si Jomari Yllana.
Masayang inanunsyo ni Abby na sa Nobyembre ay magpapakasal na sila ng aktor, pero civil wedding lang muna sa Amerika.
Sinabi ni Abby na magtutungo sila ni Jom sa Las Vegas, parang Jlo at ben Affleck wedding, na sila lang munang dalawa.
Gayunman, hanggang wedding month lang ang ibinahagi ng aktres at ang actual date ay pribado daw muna.