SUMIKLAB ang sunog sa ika-anim na palapag ng Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila.
Ayon sa Comelec, matatagpuan sa ika-anim na palapag ng gusali ang tanggapan ng Bureau of Treasury.
Ilang minuto lamang umano ang nangyaring sunog at agad ding naapula, kahapon ng tanghali.
Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa opisina ng Kooperatiba ng Bureau of Treasury.