KASADO na ang pagpapadala ng 225,000 Boxes ng Family Food Packs bilang bahagi ng Second Wave ng Distribution sa labindalawang (12) Local Government Units sa Northern Cebu.
Ayon sa DSWD, nagging matagumpay ang First Wave ng pamamahagi ng mahigit 225,000 na kahon ng Food Packs sa loob lamang ng apat na araw mula nang hilingin ito ng mga Lokal na Pamahalaan.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang paglarga ng Second Wave ng Food Packs ay bahagi ng tuloy-tuloy na paghahatid ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng lindol.
Ito ay para masigurong may makakain ang bawat pamilya kabilang ang mga nananatili pa rin sa mga Evacuation Center.