NAKUMPLETO na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Assessment para sa 2025 Regional Seal of Good Local Governance Champions (RSGLGC), na sumasaklaw sa apat na lalawigan sa Eastern Visayas.
Nagsagawa ang Regional Assessment Teams ng Evaluation sa unang dalawang linggo ng Setyembre sa Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, at Samar.
Mga sangkot sa flood control scam, walang “Merry Christmas” – PBBM
11th Local School Board Meeting sa Calbayog City, tumutok sa Sports Development at Youth Empowerment
Northern at Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Uwan
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Bahagi ito ng misyon ng RSGLGC na isulong ang Excellence, palakasin ang Accountability, at ipagpatuloy ang Improvement sa Local Governance sa buong Eastern Visayas.
Inihayag ng DILG Regional Office na upang matiyak ang Transparency at Impartiality, nakiisa ang mga kinatawan mula sa Civil Society Organizations bilang Independent Validators.
Sa pagtatapos ng bawat Assessment, bawat Teams ay nagsagawa ng Exit Conference para iprisinta ang Preliminary Findings at Recommendations sa mga lokal na opisyal.
Binigyang diin ni DILG Regional Director Arnel Agabe na ang RSGLGC ay higit pa sa Award, dahil isa aniya itong Continuing Challenge para sa mga LGU na yakapin ang kahusayan bilang bahagi ng kanilang pamamahala.
