1 October 2025
Calbayog City
Local

Presensya ng Red Tide sa iba pang Coastal Water ng Samar, kinumpirma ng BFAR

KINUMPIRMA ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang presensya ng nakalalasong Red Tide sa Coastal Waters ng Zumarraga sa lalawigan ng Samar.

Dahil dito, itinaas ng BFAR ang Local Red Tide Warning upang mahigpit na paalalahanan ang publiko na iwasan ang paghango, pagbebenta, o pagkain ng anumang uri ng shellfish, kabilang na ang alamang.

Inaasahang mapapabilang ang naturang katubigan sa National Shellfish Bulletin o mga lugar na may kumpirmadong presensya ng Red Tide na nakikita sa pamamagitan ng Laboratory Examinations sa Shellfish Meat Samples.

Kabilang sa Latest National Bulletin ay ang Matarinao Bay sa General MacArthur, Quinapondan, Hernani, at Salcedo sa Eastern Samar.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).