MAGBABALIK sa bansa ang South Korean actor na si Lee Jong Suk bilang bahagi ng kanyang Fan Meeting tour sa asya.
Sisimulan ni Lee ang kanyang Tour na “With: Just Like This” sa huling bahagi ng Setyembre sa Seoul na mayroong dalawang stops sa magkahiwalay na Cities sa Japan.
Vic Sotto, sumailalim sa cataract surgery
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Magpapatuloy ang Tour sa Nobyembre sa Taipei at pagkatapos nito ay magtutungo ang aktor sa Manila para sa kanyang Nov. 30 Fan Meeting.
Tatapusin ni Lee ang taon sa pamamagitan ng pagbisita sa Bangkok at Hong Kong sa Disyembre.
Huling bumisita ang South Korean actor sa Pilipinas, dalawang taon na ang nakalipas, para sa isang Fan Meeting na inorganisa ng isang Local Magazine.
Bago ito ay nakabisita na rin ang “While You Were Sleeping” Star sa bansa noon pang 2018.
