KINAPOS ang Gilas Pilipinas Youth sa Bahrain, sa score na 79-66, sa Quarterfinals ng FIBA Under 16 Asia Cup sa Mongolia.
Ito ang unang pagkakataon na hindi makapaglalaro ang Pilipinas sa Quarterfinals sa kasaysayan ng torneyo.
ALSO READ:
Team Philippines, naging matagumpay pa rin sa paglahok sa SEA Games kahit kinapos sa target
Alex Eala, nasungkit ang kanyang unang SEA Games gold medal sa Women’s Tennis
Olympians na sina Eumir Marcial at Aira Villegas, umusad sa Boxing Finals sa SEA Games
Alex Eala, pinadapa ang pambato ng Thailand para makapasok sa Tennis Finals sa SEA Games
Pinangunahan ni Mohamed Adel Abdullah ang Bahrain sa kanyang 22 points habang nagdagdag ng tig-labinlimang puntos sina Ali Husain Mohamed, Hussain Fuad Moosa Sharaf Ghuloom, at Hassan Oshobuge Abdulkadir.
Samantala, tanging si Luisito Joel Pascual ang nag-iisang Gilas player na nakapagtala ng double digit na gumawa ng 10 points.
Tinapos ng Pilipinas ang torneyo na may isang panalo laban sa Indonesia at tatlong talo mula sa Chinese Taipei, New Zealand, at Bahrain.
