SA kabila ng makulimlim na panahon, nag-enjoy ang mga empleyado ng Calbayog City Hall sa mala-piyestang umaga, kasabay ng opisyal na pagsisimula ng 125th Philippine Civil Service Anniversary, kahapon, kasunod ng Flag-Raising Ceremony sa City Hall Quadrangle.
Pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pagdiriwang na inorganisa ng City Human Resource Management Office (HRMO).
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Ayon kay HRMO Head Ma. Rissa Colico, naghanda ang kanilang opisina para sa isang buwang aktibidad na idinisenyo upang pagkalooban ang mga empleyado ng karagdagang skills at kaalaman, at iba pang special perks.
Bilang bahagi ng Opening Celebration, nagsagawa si Mayor Mon, kasama ang City Councilors ng Raffle, at namahagi ng Cash Prizes at iba’t ibang items sa masuswerteng mga empleyado.
