20 August 2025
Calbayog City
Local

15 kabahayan, nasunog sa Barangay Hamorawon sa Calbayog City

NASA labinlimang kabahayan ang nilamon ng apoy sa Purok 7, Barangay Hamorawon, sa Calbayog City.

Agad ipinag-utos ni Mayor Raymund “Monmon” Uy sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang pamamahagi ng Family Food Packs sa mga apektadong residente.

Naghanda rin ang barangay ng pagkain para sa mga indibidal at pamilyang nawalan ng tirahan.

Wala namang naiulat na nasawi o seryosong nasaktan sa naturang sunog.

Ilan sa mga biktima ay kasalukuyang nanunuluyan sa Hamorawon Elementary School habang ang iba ay nananatili sa kalapit na chapel.

Patuloy pang inaalam ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng insidente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).