PORMAL na inendorso ng Tacloban City Development Council (CDC) ang konstruksyon ng Second San Juanico Bridge Project bilang alternatibong istruktura sa pagitan ng Leyte at Samar.
Kahapon ay inanunsyo ng City Government na suportado ng konseho ang 19.75-Billion Peso Project bilang bahagi ng 12 Mega-Bridge Program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para palakasin ang Inter-Island Connectivity sa buong bansa.
Ayon sa City Government, sa pamamagitan ng San Juanico Bridge II ay sisigla ang Economic Activity at mapagbubuti ang Mobility sa pagitan ng Leyte at Samar para sa mga darating pang henerasyon.
Ang proposed San Juanico Bridge II ay Two-Lane Steel Arch Bridge na mag-uugnay sa Barangay San Isidro sa Tacloban City sa Leyte at Barangay San Juan sa Sta. Rita, Samar.