TIWALA at kumpiyansa pa rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa liderato ni Secretary Manuel Bonoan sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pahayag ito ni Palace Press Officer Undersecretary, Atty. Claire Castro, sa kabila ng mga isyu sa Flood Control Projects.
ALSO READ:
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sinabi rin ni Castro na hindi kasama ang DPWH sa mag-iimbestiga subalit magbibigay lamang ang ahensya ng mahahalagang records na kinalaman sa mga proyekto.
Una nang nanawagan si Bacolod Lone District Rep. Albee Benitez kay Bonoan na mag-Leave of Absence sa gitna ng imbestigasyon sa mga sumablay na Flood Control Projects.
Tumugon naman ang kalihim na handa niya itong gawin kung kinakailangan.
