UMAKYAT ang Philippine Women’s National Football Team na Filipinas sa No. 39 ng FIFA Women’s World Ranking.
Mas mataas ito ng dalawang Spots kumpara sa kanilang dating Ranking na No. 41 noong June 12.
ALSO READ:
NLEX, natakasan ang San Miguel sa PBA Season 50 Philippine Cup
Imports at Fil-Foreign players, binigyan na ng Go signal para makapaglaro sa PVL Reinforced Conference
Pinay Tennis Ace Alex Eala, handang pangunahan ang Team Philippines sa Thailand SEA Games
Magnolia, naungusan ang Barangay Ginebra sa Debut ni LA Tenorio bilang Head coach
Noong Hunyo ay sumabak ang Filipinas sa 2026 AFC Women’s Asian Cup Qualifiers kung saan tinalo nila ang Saudi Arabia sa 3-0, Cambodia (6-0), at Hong Kong (1-0), para makapag-book ng Slot sa Asian Cup sa susunod na taon.
Naabot ng Filipinas ang pinakamataas na Ranking sa No. 38 noong December 2023, ilang buwan matapos mag-debut ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup.
Lalahok din ang pambansang koponan sa nalalapit na 2025 Asean Women’s Championship, kung saan dedepensahan nila ang titulo.