13 October 2025
Calbayog City
Local

DFA, magtatayo ng Consular Office sa Northern Samar

IKINATUWA ng mga mambabatas sa Northern Samar ang desisyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magtayo ng Consular Office sa Northern Samar.

Sa social media post, sinabi ni Northern Samar 1st District Rep. Niko Raul Daza na inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbubukas ng Consular Office sa lalawigan.

Aniya, pagsapit ng 2026 ay magkakaroon na sila ng DFA Consular Office sa Catarman, nag magbibigay ng kumpletong serbisyo, gaya ng Passport Application and Renewal, Authentication of Documents, Assistance to Overseas Filipino, at Visa-related Services, at iba pa.

Inihayag naman ni Northern Samar 2nd District Rep. Edwin Ongchuan na nakipagpulong siya kay DFA Assistant Secretary Zaldy Patron para pag-usapan ang pagtatayo ng Consular Office.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).