BINIBILISAN na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge upang maitaas ang Load Limit nito sa 12 to 15 tons pagsapit ng Disyembre ngayong taon.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel BONOAN, nais nilang makaabot sa deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
ALSO READ:
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Una nang inihayag ng pangulo na nais niyang agad na maibalik ang kapasidad ng tulay matapos ipatupad ang tatlong toneladang Load Limit simula noong May 15.
Nagbabala pa si Pangulong Marcos na kapag hindi natapos sa itinakdang panahon ang rehabilitasyon sa tulay ay tatanggapin niya ang resignation ng mga opisyal.
Idinagdag ng punong ehekutibo na mahigit 500 million pesos na ang inilaan para sa repair ng San Juanico Bridge.
