NAGKAROON ng Minor Phreatomagmatic Eruption o mahinang pagputok sa Main Crater ng Taal Volcano, dahilan para palayuin ng PHIVOLCS ang publiko mula sa Volcano Island para makaiwas sa posibleng panganib.
Ayon kay Maria Antonia Bornas, Chief Science Research Specialist ng PHIVOLCS’ Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division, naitala ang pagputok ng bulkan sa pagitan ng 3:01 P.M. At 3:13 P.M., kahapon.
Binubuo ito ng tatlong Explosive Events na lumikha ng Plume na may taas na 2,400 meters.
Ang Minor Eruptions, na tinatawag sa Batangas na “pusngat,” ay ilang ulit nang nangyari simula pa noong 2021.