BUMANGGA ang isang pampasaherong barko sa isang fishing vessel sa Port of Lucena, sa Quezon.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), dakong ala siyete ng umaga kahapon nang sumalpok ang MV Penafrancia VI na patungong Marinduque sa FV Sr. Fernando 2, malapit sa Lucena Breakwater.
Matapos ang banggaan ay inatasan ang MV Penafrancia na bumalik sa Port of Talao-Talao sa Lucena City para sa imbestigasyon at inspeksyon, habang inilipat ang mga pasahero sa ibang barko para sa Medical Checkup at Cargo Assessment.
Nagtamo ang pampasaherong barko ng pinsala sa starboard bow at rampa, habang ang nagtamo rin ng damage ang unahang bahagi ng FV Sr. Fernando.
Ligtas at nasa maayos na kondisyon naman ang lahat ng 82 passengers at 18 crew members na lulan ng MV Penafrancia, gayundin ang labing anim na tripulante ng fishing vessel.