IKINU-konsidera ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na itaas ang Load Capacity ng Biliran Bridge, kasunod ng Substantial Completion ng Major Repair Activities sa nakalipas na apat na buwan.
Sinabi ni Irwin Antonio, Officer-In-Charge ng DPWH Biliran District Engineering Office, na nakatakdang isagawa ang Load Rating Capacity Assessment sa naturang imprastraktura.
Makatutulong aniya ito para matukoy ang kasalukuyang Load-Bearing Capacity ng tulay at kung kakayanin nito ang mas mabibigat na sasakyan kumpara sa orihinal na 15-Ton Limit.
Saklaw ng 28.9-Million Rehabilitation Project na sinimulan noong Pebrero ngayong taon ang pagpapalit ng corroded bolts, damaged steel members and plates, at paglalagay ng bagong finger-type expansion joints at iba pang essential bridge components upang maibalik ang Structural Integrity ng nag-iisang Land Access ng Biliran patungong isla ng Leyte.