4 July 2025
Calbayog City
National

Pangulong Marcos, pinangunahan ang paglulunsad ng P20 per kilo na bigas sa Bacoor, Cavite

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paglulunsad ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa Bacoor, Cavite.

Sinaksihan ng pangulo ang bentahan ng murang bigas, kasama si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., sa Zapote Public Market.

Kabuuang limandaang sako ng bigas, na binili ng National Food Authority (NFA) sa mga lokal na magsasaka, ang diniliber sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo Outlet ng Department of Agriculture, sa naturang palengke.

Ang maari lamang makabili ng lima hanggang sampung kilo ng murang bigas ay mula sa vulnerable sector, kabilang ang mga benepisyaryo ng 4Ps, senior citizens, persons with disability, at solo parents.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.