TARGET ng Department of Trade and Industry (DTI) na maabot ang 4.5 million pesos na sales sa limang araw na Trade Fair ng Leyte-Based Small and Medium Enterprises (MSMEs) kung saan tampok ang mga lokal na produkto sa isang mall sa Tacloban City simula June 25 hanggang 29.
Mula sa inisyal na 4 million pesos na target sales, hinamon ni DTI Eastern Visayas Regional Director Celerina Bato ang 71 exhibitors mula sa Leyte na makamit ang mas mataas na sales sa Fair na tinawag na “Layag” Leyte Fiesta Bonanza Trade Expo 2025 sa Robinsons place, bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa June 30.
Ito na ang ikatlong “Layag” Leyte Fiesta Bonanza Trade Fair simula nang ilunsad ang Marketing Brand noong June 2023.
Kabilang sa mga produktong available sa Trade Fair ay processed food and delicacies, at handcrafted products, gaya ng furnitures.