30 July 2025
Calbayog City
National

DOH, nababahala sa tumataas na kaso ng Chronic Kidney Disease sa mga bata

IKINAALARMA ng Department of Health (DOH) ang tumataas na kaso ng Chronic Kidney Disease (CKD) sa Pilipinas, kabilang na sa mga bata.

Inihayag ni Health Secretary Ted Herbosa, na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang Primary Care at Prevention Programs upang masolusyunan ang root causes ng sakit, gaya ng diabetes at hypertension.

Binigyang diin din ni Herbosa na kailangang magkaroon ng pagbabago sa lifestyle, lalo na sa mga kabataan.

Sinabi pa ng kalihim na kung ang isang tao ay kumakain ng tama at umiiwas sa masyadong matatamis, hindi ito magkaka-diabetes at hindi magkakaroon ng Chronic Kidney Disease.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).