NAGHATID ng tuwa at saya sa mga batang mag-aaral sa Calbayog City ang ipinamahaging school supplies, para sa pagbubukas ng klase ngayong Lunes.
Kahapon ay pinangunahan ni Mayor Raymund “Monmon” Uy ang pamamahagi ng mga gamit pang-eskwela sa Calbayog Convention Centers.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Ipinamahagi ang mga bag, notebooks, mga lapis, crayons, at iba pang school supplies sa mga punong barangay, para makarating sa animnapung eskwelahan sa lungsod, lalo na sa malalayong barangay.
Ito ay para matiyak na bawat bata ay handa para sa isang matagumpay na school year.
Ang hakbang na ito ay patunay ng dedikasyon ni Mayor Mon sa edukasyon at para sa tagumpay ng mga batang Calbayognon.
