31 July 2025
Calbayog City
Province

8 tinamaan ng Mpox sa BARMM, tuluyan nang nakarekober; 39 Suspected Cases, mahigpit pa ring mino-monitor

TULUYAN nang nakarekober ang lahat ng walong indibidwal na tinamaan ng Mpox sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa ngayon ay mahigpit pa ring binabantayan ng Ministry of Health (MOH) sa BARMM ang tatlumpu’t siyam na indibidwal na hinihinalaang tinamaan ng Mpox.

Ayon sa Regional Health officials, naipadala na ang blood samples ng mga pasyente sa Research Institute for Tropical Medicine, sa Muntinlupa City, para makumpirma ang diagnosis.

Sinabi ng Local Executives na nagbigay ang MOH-BARMM ng rasyon na pagkain, bitamina, at ilan pang essential supplies sa walong tinamaan ng Mpox, habang nasa isolation ang mga pasyente.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).