MAHIGIT dalawandaang katao ang pinaniniwalaang nasawi makaraang bumagsak ang isang eroplano na patungong London, ilang sandali matapos mag-take off mula sa airport sa Ahmedabad City sa India.
Hindi pa tiyak ang eksaktong bilang ng casualties mula sa bumagsak na Air India Plane na may lulang dalawandaan apatnapu’t dalawang mga pasahero at crew members.
ALSO READ:
UAE oil giant na ADNOC, isinara ang kanilang Ruwais refinery kasunod ng drone strike
France, naghahanda sa pag-escort ng mga barko sa Strait of Hormuz kapag kumalma na ang giyera
13 katao patay, halos 2,000 sugatan sa mga pag-atake ng Iran sa Israel
Mahigit 40, patay sa air at ground operations ng Israel sa Lebanon
Sa statement mula sa Air India, mula sa 242 na sakay ng kanilang eroplano, 169 ay Indian Nationals habang 53 ang British Nationals.
Mayroon ding pitong Portuguese at isang Canadian National.
