13 July 2025
Calbayog City
National

200 pisong umento sa minimum na sweldo, inaprubahan ng Kamara

APRUBADO na sa sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na magtataas ng dalawandaang piso sa arawang minimum na sweldo ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Inaprubahan ng mababang kapulungan ang panukala sa pamamagitan ng 171 yes votes, isang no vote, at zero abstentions, sa Plenary Session, kahapon.

Sinabi ni House Assistant Minority Leader Arlene Brozas ng Gabriela Party-list, ang naturang increase na magiging kauna-unahan sa loob ng tatlumpu’t anim na taon, ay matagal nang deserve ng mga manggagawa.

Ang House Version ng Legislated Wage Hike ay mas mataas kumpara sa 100 pesos na inaprubahan ng senado.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).