SINIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbuwag sa livestock farms na nag-o-operate ng walang kaukulang permits, dahil sinisira ng mga ito ang Supply Chain at Price Stability sa bansa.
Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na naglabas ang Bureau of Animal Industry (BAI) ng Show Cause Orders sa siyam na farms sa Central Luzon na matatagpuan sa Bulacan, Pampanga, at Tarlac.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Aniya, dapat ipaliwanag ng mga may-ari ng farms kung bakit patuloy silang nag-o-operate sa kabila ng pagbalewala sa Basic Health, Environmental, at Safety Regulations.
Idinagdag ni Tiu Laurel na ang lapses ay maaring makaapekto sa mga hakbang ng pamahalaan na ma-stabilize ang supply at presyo ng karneng baboy, lalo na ngayong bumabangon ang bansa mula sa epekto ng African Swine Fever (ASF).
Binigyang diin din ng kalihim na sa gitna ng mga hakbang ng gobyerno tungo sa modernisasyon, dapat maunawaan ng lahat na walang puwang ang mga hindi lisensyadong operasyon.
