TINIYAK ng bagong talagang PNP chief na si Police General Nicolas Torre III ang patas, mabilis, at mapagkakatiwalaang Police Organization sa ilalim ng kanyang liderato.
Sa kanyang inaugural speech sa Change of Command Ceremony sa Camp Crame sa Quezon City, kahapon, nangako si Torre na pamumunuan niya ang Police Force sa pamamagitan ng tatlong Core Pillars.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Kinabibilangan aniya ito ng Swift and Responsive Public Service; Unity and Morale within the Ranks; at Accountability and Modernization.
Sinabi ng bagong PNP chief na ipatutupad niya ang Three-Minute Emergency Response Time sa Major Urban Centers.
Samantala, inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Torre na tiyakin ang malinis na Police Ranks at maramdaman ng publiko ang kanilang presensya.
Kahapon ay pinangunahan ni Pangulong Marcos ang Change of Command Ceremony kung saan pinalitan ni Torre si Police General Rommel Francisco Marbil na ang extended term ay magtatapos sa June 7.