INI-report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Land Transportation Office (LTO) ang mahigit limampung motorista na nagtakip ng kanilang license plates upang maiwasang mahuli sa ilalim ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Itinurn-over ni MMDA Special Operations Group – Strike Force Head Gabriel Go ang ilang mga ebidensya, gaya ng mga litrato, kay LTO Executive Director Greg Pua, upang matukoy ang registered owners ng mga kinukwestyong sasakyan.
Sinabi naman ni Pua na sa sandaling matukoy ang registered owners ng mga sasakyan, ay iisyuhan sila ng LTO ng Show Cause Order.
Sa ilalim ng Motorcycle Crime Prevention Act, ang pag-tamper sa license plates ay may katapat na parusang limanlibong piso at hanggang dalawang taong pagkakulong.