10 September 2025
Calbayog City
Local

Pagdedeklara ng State of Calamity sa buong Eastern Visayas, inaasahang aaprubahan ni Pangulong Marcos

POSITIBO ang Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) na aaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon na isailalim ang buong rehiyon sa State of Calamity bunsod ng 3-Ton Load Limit na ipinatutupad sa San Juanico Bridge.

Sinabi ni RDRRMC Chairman Lord Byron Torrecarion na sa pamamagitan ng deklarasyon ay mabilis na matutugunan ng Regional Line Agencies at Local Government Units ang mga problemang idudulot ng limitadong access sa mahalagang tulay na nag-uugnay sa Leyte at Samar provinces.

Ang ipinatupad na Load Restrictions simula noong May 15 ay nagdulot ng pagka–stranded ng mahigit dalawandaang mga sasakyan at tinayang magreresulta ng Monthly Economic Losses na mula 300 million hanggang 600 million pesos.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).