12 July 2025
Calbayog City
Local

2 nasagip na Philippine eagles, pinakawalan pabalik sa kagubatan ng Leyte

PINAKAWALAN ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang dalawang nasagip na agila, na kinabibilangan ng isang lalaki na pinangalanang Kalatungan 1 at isang babae na pinangalanang Lyra Sinabadan, pabalik sa kagubatan ng Leyte.

Ang pag-release sa mga agila ay bahagi ng Philippine Eagle Species Reintroduction Program ng PEF.

Sinabi ni PEF Director for Operations Jayson Ibañez na ang Reintroduction Program sa Leyte ay isang importanteng component ng Overall Conservation Program.

Sa kasawiang palad aniya ay naubos na ang Philippine eagles sa isla ng Leyte dahil hindi maiwasang sila ay mabaril at ma-trap sa Mindanao.

Unang pinakawalan ng PEF si Kalatungan 1 na na-rescue sa Bukidnon noong 2024 matapos tamaan ng bala, at makalipas ang isang oras ay pinalipad din si Lyra Sinabadan na nasagip sa Mt. Tangkulan sa Bukidnon noong 2023.

Ang dalawang agila ay nilagyan ng GPS at VHF (radio) transmitters upang ma-monitor pa rin sila ng PEF sa kanilang bagong tahanan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).