INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang lahat ng cabinet secretaries ng gobyerno na magsumite ng Courtesy Resignations.
Ayon sa pangulo, bahagi ito ng layuning mag-recalibrate sa kaniyang administrasyon kasunod ng katatapops lamang na Midterm Elections.
Goitia: Paratang ni Imee Walang Ebidensya, Puro Ingay Lang
Presyo ng mga produktong petrolyo, tumaas ng mahigit piso kada litro ngayong Martes
Bersamin at Pangandaman, nagbitiw sa gabinete dahil sa delicadeza; Recto, itinalagang executive secretary; Toledo bilang budget OIC
INC, tinapos na ang kanilang rally laban sa korapsyon sa Luneta
Sa ganitong paraan sinabi ng pangulo na maiaangkla ang gobyerno sa kung anong inaasahan ng mamamayan.
Sa pagpapasumite ng Courtesy Resignations ay mabibigyan ng pagkakataon ang pangulo na magsagawa ng evaluation sa performance ng pawat ahensya at tutukuyin kung magpapatuloy ang paninilbihan ng kasuluyang pamunuan ng mga departamento.
Tiniyak naman ng Presidential Communications Office (PCO) na hindi maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa pagbibitiw ng mga miyembro ng gabinete.
Matapos ang eleksyon, sinabi ni Marcos sa isang panayam na dismayado ang taumbayan sa serbisyo ng gobyerno.
Aminado ang pangulo na hindi nararamdaman at masyadong mabagal ang galaw nang pagbubuo ng mga proyekto kaya naiinip ang taumbayan.
