LALAHOK si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa 46th ASEAN Summit and Related Summits sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na linggo.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Deputy Assistant Secretary Dominic Xavier Imperial, na bibigyang diin ni Pangulong Marcos ang Sovereignty and Sovereign Rights ng Pilipinas sa Summit.
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Magkakaroon din aniya ng talakayan sa hinggil sa international matters, gaya ng isyu sa Myanmar at Tariff Policy ng Amerika, pati na ang iba pang geopolitical concerns.
Nakatakda ring sumalang sa bilateral meetings ang pangulo, kasama ang Lao PDR, Kuwait, at Vietnam.
Una nang inihayag ni DFA Secretary Enrique Manalo na isusulong ng Pilipinas ang pinaigting na negosasyon sa mahalagang “Code of Conduct” upang maiwasan ang major conflict sa South China Sea sa ASEAN Summit.
