BINIGYANG diin ng public opinion pollster na OCTA Research Group na ang mga survey ay mayroong margin of error at hindi nahuhulaan ang aktwal na resulta ng halalan.
Kasunod ito ng nakagugulat na partial results ng 2025 national and local elections noong Lunes.
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Sinabi ni OCTA Research Fellow Ranjit Rye, na hindi bolang kristal ang surveys, at hindi rin garantiya, dahil snapshot o larawan lamang ito ng partikular na panahon.
Inihayag naman ni Social Weather Stations (SWS) Chairman Emeritus Mahar Mangahas, na ang resulta ay pagpapakita lamang na “anything can change.”
Sa partial tally, nananatiling matatag sa second place si Dating Senador Bam Aquino na bagaman hindi nag-rank sa top 3, ay pasok naman sa top 12 ng senatorial surveys ng OCTA.
