NAKAKOLEKTA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 6.1 tons ng mga basura sa National Capital Region, sa unang araw ng election cleanup.
Ayon sa MMDA, ang election waste ay kinolekta ng kanilang Metro Parkway Clearing Group (MPCG) – Special Ornamental Plants Development Management Unit mula sa labing isang lungsod.
Pinakamaraming basura ang nakolekta ng team sa Malabon na may 1.48 tons, sumunod ang Maynila na may 0.97 tons, at Parañaque na may 0.72 tons.
Mula Feb.1 hanggang April 28, umabot sa halos tatlumpu’t tatlong tonelada ng illegal campaign materials ang nakolekta ng MPCG, bilang bahagi ng “Oplan Baklas” campaign ng MMDA.