TARGET ng COMELEC na maiproklama ang mga nanalong labindalawang senador sa halalan 2025 sa Sabado, May 17.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ito ang pinakamaagang petsa na target ng poll body para sa proklamasyon.
ALSO READ:
DA, palalawakin ang P20/Kilo Rice Program sa Clark
ICI, sinimulan na ang imbestigasyon sa Mandaue Flood Control Projects
Konkretong hakbang laban sa korapsyon, panawagan ng INC sa Luneta Rally
PBBM at Dating Speaker Romualdez, inakusahan ni Dating Cong. Zaldy Co na nangulimbat ng 56-B pesos na kickbacks mula sa flood control
Sinabi ni Garcia na mabilis naman ang canvassing, at katunayan ay kaunti na lamang ang hinihintay.
Gayunman, kailangan pa rin aniya nilang tiyakin na mabibilang ang lahat ng certificates of canvass.
Hanggang kahapon ay 98.99% na ang nai-transmit na local election returns mula sa nag-reflect na data sa COMELEC transparency servers.
