KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) na naitala ang kauna-unahang kaso ng highly pathogenic na H5N9 sa bansa.
Na-detect ang kaso ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) type a subtype H5N9 ay sa isang farm sa Camaligan, Camarines Sur.
Iniulat ng Animal Disease Diagnosis and Reference Laboratory ng BAI na nagpositibo ang resulta ng samples na kinuha mula sa mga alagang bibe nang magsagawa ng routine surveillance ang DA Regional Field Office v.
Bagaman highly pathogenic sa mga ibon ang H5N9, mababa naman ang bantang mailipat ito sa tao.
Agad inendorso ng BAI ang pagsasagawa ng Disease Control Measures kabilang ang agarang quarantine, pagkatay sa mga apektadong bibe, surveillance at koordinasyon sa local authorities at sa Department of Health (DOH) para ma-monitor ang posibleng human exposure.