SINIMULAN na ng simbahang katolika ang sekretong proseso sa pagpili ng bagong lider kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis noong nakaraang buwan.
133 voting cardinals ang boboto para sa susunod na Santo Papa.
ALSO READ:
Lalaking nagtangkang i-assassinate si US President Donald Trump, hinatulan ng habang buhay na pagkabilanggo
Anak ni Dating Libyan Leader Muammar Gaddafi, patay sa pamamaril
80 Nigerians na kinidnap, nakauwi na sa kanilang mga pamilya matapos tumakas
Supreme Leader Ali Khamenei, nagbabala sa US ng regional war kapag inatake ang Iran
Kapag ang isang kardinal ay nakatanggap ng mahigit two-thirds ng boto, mayroon ng bagong Santo Papa, subalit kung wala naman ay magpapatuloy ang botohan.
Sa pagtatapos ng bawat voting session, susunugin ng mga kardinal ang mga balota, at malalaman sa kulay ng usok ang resulta ng eleksyon.
Ang ibig sabihin ng itim na usok ay wala pang nabuong consensus ang mga kardinal habang ang puting usok ay nangangahulugan na mayroon nang bagong Santo Papa.
