TULOY ang botohan sa Bangued, Abra kahit nasunog ang elementary school na itinalaga bilang polling place sa halalan 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, pitumpung porsyento ang napinsala ng sunog sa Dangdangla Elementary School, kahapon ng umaga.
ALSO READ:
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Halos isanlibong botante ang nakatakdang bumoto sa naturang paaralan sa Mayo a-dose.
Sinabi ni Garcia na hindi magpapasindak ang poll body kung sinadya man ang sunog
Sa update mula sa COMELEC, dalawang areas mula sa Dandangla Elementary School ang hindi naapektuhan ng sunog, na maaring gamitin bilang priority polling place at administrative o storage area.
Posible ring magtayo ng makeshift polling centers sa lugar bilang bahagi ng contingency plan ng poll body.