IPINAGMALAKI ng militar na wala nang nagongolekta ng “permit to campaign” at “permit to win” fees mula sa New People’s Army (NPA) sa Leyte at Samar bago ang May 12 elections.
Sinabi ni Brig. Gen. Noel Vestuir, commander ng 802nd Infantry Brigade, na isang linggo bago ang halalan, ay wala kahit isang NPA violent activities na na-monitor ng militar.
Sa mga nakalipas na eleksyon, ang NPA na Armed Wing ng Communist Party of the Philippines, ay naniningil ng “permit to campaign” o “permit to win” fees kapalit ng malayang pangangampanya sa mga lugar na nasa ilalim ng kanilang impluwensya.
Idinagdag ni Vestuir na kahit noong 2022 elections ay wala na silang na-monitor na extortion activities ng mga rebelde sa Leyte at Biliran noong campaign period.