KINUMPIRMA ni Winwyn Marquez na huling pageant na niya ang katatapos lamang na Miss Universe Philippines 2025, kung saan nanalo siya bilang first runner-up.
Ginawa ni Winwyn ang kumpirmasyon sa maiksing interview ilang sandali matapos ang contest, na nai-record ng isang pageant vlogger at ipinost sa Tiktok.
ALSO READ:
Rhian Ramos at Sam Verzosa, in-unfollow ang isa’t isa sa Instagram
Tagalog Voice Actor Jefferson Utanes na nasa likod ng boses nina Doraemon at Son Goku, pumanaw sa edad na 46
Pokwang, inamin na kapatid niya ang viral driver na binatukan ang lalaking nagtutulak ng kariton; comedian, nag-sorry
Ellen Adarna at John Lloyd Cruz, muling nagkasama para suportahan ang kanilang anak na si Elias sa piano recital
Sa kabila naman ng hindi nasungkit na Miss Universe Philippines title, masaya pa rin si Winwyn para sa oportunidad na makapasok siya sa pageant.
Idinagdag nito na ang pagiging bahagi ng national title ay malaking panalo na para sa kanya.
Aniya, hindi lang ito tungkol sa pagkamit ng korona kundi paalala sa mga katulad niyang ina na huwag sukuan ang kanilang pangarap.
