NAGPADALA ang PNP Eastern Visayas ng kabuuang isandaan at isang pulis na sinanay bilang special electoral board members para magsilbi sa voting centers sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mananatili ang mga pulis sa Lanao Del Sur at Maguindanao simula ngayong May 1 hanggang 23, o dalawang linggo bago at pagkatapos ng halalan sa Mayo a-dose.
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Calbayog City, pinagtibay ang Commitment para mapangalagaan ang kalusugan ng mga residente
Sinabi ni PNP Eastern Visayas Regional Director Brig. Gen. Jay Cumigad, na ang pagpapadala nila ng mga tauhan ay alinsunod sa direktiba ng kanilang main headquarters na magdeploy ng police officers na sinanay para mangasiwa sa pinakabagong voting technology.
Ang mga pinadalang pulis ay sinanay ng mga tauhan ng COMELEC kung paano i-operate ang Automated Counting Machines (ACMs) noong March 25 hanggang 26.
Binigyan din sila ng sertipikasyon ng Department of Science and Technology sa pag-o-operate ng ACMs.
