INISYUHAN ng COMELEC Task Force Safe ng Show Cause Order si Jipapad, Eastern Samar Vice Mayoralty Bet Noel “Nonong” Montallana para magpaliwanag matapos nitong tawaging “abnormal” ang kalabang kandidato sa halalan 2025.
Binigyan ng poll body si Montallana ng hanggang tatlong araw mula nang matanggap nito ang order upang ipaliwanag ang mga sinabi nito sa isang campaign rally noong April 23 sa Barangay Jewaran.
3 miyembro ng NPA, patay sa panibagong engkwentro sa Leyte
DepEd Calbayog Stakeholders’ Summit, gaganapin sa Biyernes; magwawagi sa appreciation video, tatanggap ng 20,000 pesos
DSWD chief, pinangunahan ang relief operations para sa mga biktima ng Bagyong Tino sa Southern Leyte
53.6 million pesos na halaga ng tulong, ipinagkaloob ng DSWD sa mga pamilyang sinalanta ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Sa naturang kampanya, hinimok ng vice mayoralty bet ang kanyang constituents na huwag iboto ang mga Evardone dahil nakakasawa na.
Sinabi pa ni Montallana na prematurely born o pitong buwan lamang nang ipanganak si RV Evardone na aniya ay abnormal, kagaya ng ina nito.
Naniniwala ang COMELEC na maaring nilabag ng kandidato ang kanilang Anti-Discrimination at Safe Space Resolutions, na nagbabawal sa mga kandidato at kanilang supporters na magbitaw ng discriminatory remarks sa panahon ng kampanya.
