12 October 2025
Calbayog City
National

TRABAHO Partylist sa mapanganib na init: Dagdagan ang water at rest break ng manggagawa

Ngayong Lunes, nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad safety adaptation plan na akma sa kani-kanilang industriya at operasyon upang mapangalagaan ang mga manggagawa sa gitna ng napakatindi at mapanganib na init sa lahat ng rehiyon.

Ayon sa forecast ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), maging sa Metro Manila mismo ay maaaring umabot ng hanggang 42°C ang temperatura— “dangerous level”.

Bilang pagkilala sa masamang epekto sa kalusugan na idinudulot ng matinding init gaya ng panghihina ng katawan, heatstroke, at paglala ng mga umiiral na kondisyon sa kalusugan, nanawagan ang tagapagsalita ng TRABAHO Partylist na si Atty. Mitchell Espiritu sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong mga employer na magpatupad ng alternatibong work arrangement.

Upang matiyak ang pagsunod ng mga manggagawa, hinimok ng tagapagsalita ang mga employer na ipabatid nila na ang mga hydration break na ito ay bahagi ng bayad na oras ng pagtatrabaho.

Bagama’t wala pang matibay na regulasyong tumutugon sa patuloy sa ganitong napakainit na temperaturang nararanasan ng bansa, tinukoy ng abogado na may nauukol at umiiral na kautusan mula sa Department of Labor and Employment—ang Labor Advisory No. 8.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).