PUMANAW na sa edad na 88 si Pope Francis.
Ito ang kinumpirma post sa official social media accounts ng Vatican News.
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Ayon sa Vatican News, alas 9:45 ng umaga ng Lunes, Apr. 21, oras sa Roma, inanunsyo ni Cardinal Kevin Farrell – Camerlengo of the Apostolic Chamber ang pagpanaw ng Santo Papa sa kaniyang tahanan sa Casa Santa Marta sa Vatican.
7:35 ng umaga sa Vatican ang eksaktong oras ng pagpanaw ni Pope Francis.
Matatandaang nagtagal ng mahigit isang buwan sa ospital ang Santo Papa makaraang tamaan ng double pneumonia at HAD.
Ipinanganak si Pope Francis na ang buong pangalan ay Jorge Mario Bergoglio sa Buenos Aires.
Nahalal siya bilang Santo Papa noong 2013 atapos magbitiw sa pwesto si Pope Benedict XVI.
Ayon kay Archbishop Diego Ravelli, Master of Apostolic Ceremonies, hiniling mismo ni Pope Francis na maging simple lamang ang kaniyang funeral rites. (DDC)
