Ang labis na pagiging ganid o sakim ng isang tao ay maaaring magbunsod sa pagkasira ng kalikasan.
Bahagi ito ng homilya ni Cardinal Luis Antonio Tagle matapos pangunahan ang misa sa pormal na pagtatalaga sa Our Lady of Aranzazu Shrine bilang isang national shrine.
Ayon sa kardinal, kapag nawawala ang responsibilidad at namamayani ang pagkaganid, nasisira ang lupa, ang dagat, at ang kalikasan.
Dagdag pang pasakit ayon kay Tagle ang korapsyon.
Ayon kay Tagle ang “Aranzazu” ay hango sa salitang “tinik” at ginamit ang pangalang ito nang makita ang imahe ng Birheng Maria sa matinik na bahagi ng Spain.
Sinabi ni Tagle na bahagi ng misyon ng Aranzazu Shrine at ng mga parokyano ang hanapin ang mga “tinik” sa kalikasan at lumapit kay Birheng Maria para humingi ng tulong.