PORMAL na ilulunsad ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ang Tri-City Specialty Justice Zone sa Tacloban, Ormoc, at Calbayog sa Nov. 5, 2025.
Isasagawa ito sa Summit Hotel sa Tacloban City; sa Sabin Resort Hotel sa Ormoc City; at sa Calbayog City Sports Center sa Calbayog City.
ALSO READ:
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Mahigit 50 rebelde, nakakuha ng Safe Conduct Passes sa ilalim ng Amnesty Program ng pamahalaan
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Layunin nito na palakasin ang koordinasyon ng Justice Sector sa pagtugon sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM) sa Eastern Visayas.
Ang bubuksang Tri-City Specialty Justice Zone ang ika-pitong Specialty Justice Zone, kasunod ng inilunsad sa mga lungsod ng Cagayan De Oro, Iligan, at Ozamiz noong Sept. 2024.
