PATULOY na liliit ang budget deficit ngayong 2023 at sa 2024 sa gitna ng gumagandang revenue turnouts, ayon sa BMI country risk and industry research.
Tinaya ng fitch group ang deficit sa 5.9 percent ng Gross Domestic Product (GDP) ngayong taon at bababa pa ito sa 5.1 percent sa 2024.
Kumpara ito sa 8.6 percent ng GDP noong 2021 at 7.3 percent noong 2022.
Ayon sa BMI, ang kanilang projection ngayong 2023 ay bahagyang mas maliit kumpara sa pagtaya ng pamahalaan na 6.1 percent, kasunod ng outperformance sa revenue growth.