INANUNSYO ng European Commission na papatawan ng European Union (EU) ng counter tariffs ang 28 billion dollars na halaga ng US goods simula sa susunod na buwan.
Gayunman, inihayag ng EU executive na nananatili silang bukas sa negosasyon.
Una nang itinaas ni US President Donald Trump sa 25 percent ang taripa sa lahat ng steel at aluminum imports.
Sinabi ng European Commission na tatapusin nila ang kasalukuyang suspensyon ng taripa sa US products sa April 1 at ang kanilang ipatutupad ang kanilang counter tariffs sa April 13.